"Pano po kung isa lang ang nagmamahal at parang gusto mo nang sumuko?"
Mahirap kung sa mag-asawa ay isang panig lang nagsasabing mahal niya ang kanyang asawa. Sabi nga, "It takes two to tango." Sapagkat kayo ay pinag-isa na, mahalagang ang pagmamahal ay pareho ninyong itinalaga sa isa't isa. Gayunpaman, 'wag na 'wag kang susuko. Patuloy mong panghawakang mula nang kayo ay magsama bilang mag-asawa, ang Diyos na ang may kalooban ng inyong kalagayan. Ang kailangan lang ay matutuhan ninyong pareho ang daan pabalik sa maalab na pagmamahalan.
Mahalin ang asawa!
Pastor Jhun Lopez