Tuesday, April 28, 2020

#QUARANTINED

Ang asawa ay walang sakit na nakahahawa. At di siya basta mahahawa. Kung iingatan mo siya tulad ng isang mamahaling bato.

Di niya kailangang maikulong sa bahay at sabihang mag-social distancing. Mas makabubuti sa kanya ang malayang paggawa sa pagtitiwala mong makatutulong siya sa inyong pamilya.

Mas mainam, ikulong mo siya sa iyong mga bisig na ang nararamdaman niya ay ang wagas mong pag-ibig. Hindi ang makasarili mong pag-iisip.

No comments:

Post a Comment