Wednesday, December 2, 2015

FB FRIEND NG ASAWA KO ANG "EX" NIYA

Mabilis na payo:

Malaking tulong sa pagsasama ang tiwala. Simulan mo siyang pagtiwalaan.

Tama lang na magselos ka bilang asawa kung may tamang basehan. Pwede ka namang makiusap sa kanya sa gusto mo. Hindi dahil nagdududa ka kundi dahil hindi Ok sa iyo.

Pag-usapan ng maayos. Huwag ninyong pagtalunan. Hindi mo kailangan siyang itest sa pamamagitan ng pagselosin siya. Sa halip, mas mabuti na pagbutihinin mo ang pagiging asawa niya. Nang sa ganon, hindi siya babaling sa iba. Kahit marami pa siyang FB friend na Ex niya.

Mahalin mo ang asawa mo ng higit sa iba.

(Sa mga nakikipag-FB friend sa mga "Ex", pero may asawa na, makatutulong na putulin ang koneksyon sa kanila kung ito ang pinagtatalunan ninyong mag-asawa. Mas mabuting mawala ang "ex" kaysa sa asawang iyong pinakasalan.)

#pastorJHUN


No comments:

Post a Comment