Wednesday, June 22, 2016

HIWALAY NA PO KAMI

Mahalin mo pa rin siya bilang kapwa mo. Lalo na kung may mga anak kayo. Mahalin mo hindi marahil para magsama pa ulit kayo. Kundi dahil minsan sa nakaraan ay may pinagsamahan kayo.
Mahalin mo at wag ng saktan. Buksan pa rin ang pintuan at baka may mabuong balikan. Mahalin. Wag ng magpost sa FB ng masama laban sa kanya. Di nakakatulong. Pinagpipyestahan lang ng netizen ang isyu sa buhay mo. Kung may gusto kang sabihin, mag usap kayo ng personal.

Kung may iba ka ng mahal, na di na yata mapigilan, wag ng ipagmalaki sa publiko at ipakita pa ang selfie nyo sa FB. Alalahaning nababasa ng mga anak mo at ng buong mundo. Bigyan na lamang ng kahihiyan ang asawa, mga anak lalo na ang sarili mo.

HIWALAY NA KAYO.
Awayan ay tigilan na ninyo.

No comments:

Post a Comment