Wednesday, June 22, 2016

TOTOHANIN ANG PANGAKO

Alisin sa bokabularyo ang salitang "maghiwalay na tayo."
Totohanin natin ang pangakong "til death do us part."
Tandaang kaya tayo napakasal dahil sa pag-iisang dibdib.
Kamatayan lang talaga ang maging dahilan para maghiwalay.

Kasama dito ang dahilang panghinaharap...
... kapag halos patayin ka na ng asawa mo!

Pero kung ang usapin lang naman ay pagkakaiba ng ugali.
Pagkakaiba ng kinalakihan at nakasanayan.
Pagkukulang sa pagtupad ng tungkulin ng asawa.
O hindi mo lang makayanan ang lakas ng paghilik ng kabiyak.

Naniniwala akong lahat ng iyon ay may solusyon.
Daanin sa pag-uusap. Lumabas kayo sandali.
Iwan muna ang apat na sulok ng inyong tahanan.
Pati na ang mga bata. Pag-usapan ang inyong kalagayan.
Balikan ang init ng inyong pagmamahalan.

Kung wala pa rin... makatutulong ang isang Tagapayo.
At higit pa rito, walang imposible sa pananalangin.
Diyos ang bahala sa inyong mag-asawa.
Basta, alisin ang mga salitang, "Maghiwalay na tayo!"

#pastorJHUN

No comments:

Post a Comment