Sunday, January 6, 2019

PINAG-ISA. MAGKAIBA.

Tamang tingnan na ang mag-asawa ay iisa na; sa layunin, sa isipan at sa damdamin. Subalit nananatili ang pagiging individual ng isang asawa. May sariling kinalakihan at nakasanayang ginagawa. At may mga pangarap na magpapaangat ng kanyang moral.

Gayundin, nakadikit man ang pangalan ng asawa sa kanyang asawa (na kapag ipinakikilala ka, "asawa ni...."), hindi pa rin dapat mawala sa isipan na ang asawa ay may karapatan ding makilala bilang isang individual.

Sabay kayong maglalakbay, pero minsan hayaan mo rin siyang makalakad sa paraang nalalaman niya. Sabay kayong uunlad subalit wag namang sagkaan kung ang asawa ay nagawang umunlad nang higit kaysa sa iyo.

Makigalak sa kagalakan ng asawa. Makidalamhati kung sakaling dumating sa kanya ang di inaasahan. Dahil kayo ay iisa na.

Unawain mo ang kanyang pag-uugali, Pagpasensiyahan ang kanyang mga kahinaan. Wag ipilit ang gusto mo lamang na maging siya. Dahil nananatiling kayo ay magkaiba.

No comments:

Post a Comment