Sabi nga, "Lahat nadadaan sa mabuting usapan."
Kung may isyu ang mag-asawa, ok lang pansamantalang manahimik. Pero kung gusto nating agad itong masolusyunan, makipag-usap na sa asawa, at mabuting usapan ay simulan.
Pwede marahil, at nangyayari, balewalain ang naganap na di kagandahan. Pero mas mabuting wag deadmahin sa halip ay magkaroon ng closure ang anumang inyong pinagdaanan.
Marami nga sa atin, ikinasal nang hindi napag-usapan ang mga "do's and don'ts" ng pagsasama, na nagpapatuloy naman. Pero makatutulong kung pagkakaisahan at pagsasang-ayunan ng mag-asawa ang mga panuntunan sa loob ng tahanan. Akala tuloy ok pa ang asawa, kahit hindi na pala.
Sa mga nanlalamig, tatahimik ka na lang ba? At magpaatukso sa mga nagpapainit? Bakit di subukang makipag-usap sa asawa nang ma-settle na ang differences ninyo at magawan ng solusyon. Nasa pag-uusap pa rin ng mag-asawa ang magiging solusyon.
Sabi pa ng isa, e ayaw po akong kausapin. Sa ganitong sitwasyon, hindi kayo matutulungan kung ang isang panig ay ayaw makipagcooperate. Sa akin lang, makipag-usap ka na sa Diyos at pakiusapang ang Diyos ang mag-udyok at kumilos sa asawa mong ayaw makipag-usap. May tugon ang Diyos sa ating panalangin.
Basta, magkakaroon lang ng solusyon ang inyong pinagdaraanan kung ito'y mabutihang pag-uusapan. Lalo na kung sa panalangin sa Diyos, pangunahing sasanggunian.
#MahalinAngAsawa
No comments:
Post a Comment